"Wag ka ng Mag aral! "
Ohaa, ang aga aga Yan ang maririnig ko sa Mama ko. Napakasaya! Literal na Kagigising ko lang nung sinabe niya yan sa akin. Eh hindi naman talaga ako nag aaral ngayon ah. Oo, Letse! Tengene! Hindi nga ako nag-aaral. Pero Kasalanan ko ba yun. Gusto ko ng Mawala. Take me Lord. haha Syempre joke lang yan :) Pero seryoso ako dun sa Part na hindi ako Nag aaral. Oo, sa Kasamaang palad hindi ako nakapag enroll. Tanggap ko naman yuun, Pero pina pangako ko sa sarili ko na mag aaral na ako sa second sem. Hmmm.
"Ang tamad mo!"
Alam ko, tamad naman talaga ako. Pero hindi mo naman yun kelangan pag sigawan sa Buong bahay. Haays. Ohh, Ngayong araw nag sipag namana ko ah. tumigil lang nga ako sandali sa Pag sisipag dahil nilalabas ko to. Itong sama ng Loob ko.Kay Blogger ko lang to pwedeng ilabas. Dahil pag sa FB (Facebook) ko to sinulat, para akong nag papapansin doon. at isa pa ang FACEBOOK ay napaka bulgar. haha. Para kang walang privacy doon. Lahat pwedeng mag Like. Comment. etc.. At tsaka pag nakita to ng mga Kapamilya ko, Patay ako. Literal. PATAY AKO :)
Hindi ko naman masisi ang magulang ko kung bakit nila ako madalas pagalitan ngayon. Para kasing nakaka walang gana mabuhay, somehow parang walang meaning yung life ko. Para akong lantang gulay Mentally, Physically and emotionally. Hindi ako makapag isip ng maayos. Gusto kong mgatago. Pero hindi yoon dapat. Kaya nga ginawa ko itong binasa mo, para naman mabawasan ng kaunti ang dinadala ko. Haayyy.
Pero maraming bagay ang dapat kong ipagpasalamat.
Maingay ang bahay kanina, ibig sabihin nakakarinig pa ako. SALAMAT.
Maraming hugasan na plato kanina, ibig sabihin kumakain pa kami. SALAMAT.
Maraming maruruming damit ang nasa hamper, ibig sabihin may sinusuot pa kami. SALAMAT.
Naglilinis pa rin ako ng bahay every morning, ibig sabihin may bahay pa kami. SALAMAT.
'Hindi man perpekto yung buhay ko, palagi ko mang naisin na sumuko at umiyak na lamang. Ay hindi ko nagagawa. Dahil sa bawat pag subok, pag iyak at pag dating ng problema ay may Dadating din na sulusyon, may dadating din na saya at May dadating din ni ginhawa'

This comment has been removed by the author.
ReplyDelete