May isang babae, itago natin sya sa pangalang Lorna. Si Lorna may minamahal, itago naman natin ito siya sa pangalang Marco. Si lorna, mahal na mahal si marco, Halos kay marco na umiikot ang kanyang mundo. Si Marco na lamang palagi ang laman ng kanyang isip. Si marco na palagi niyang hinahanap. Alam ni Lorna na mahal din siya ni Marco, kahit hindi ito nito pinapadama sa kanya. Si Lorna ang babae na Madaling mahulog para sa mga lalake, mapagmahal siya, maalaga, mabait, kahit hindi niya kasalanan siya pa ang mag sosorry at higit sa lahat maganda si Lorna. Si Marco naman ay isang tahimik na lalake, mahilig mag aral, mayaman, mabait, may takos sa diyos ngunit may mga katangian si Marco na tanging si Lorna lamang ang makakaintindi. Si Marco ang lalake na hindi showy sa kanyang pagmamahal kay Lorna, Siguro kasi hindi pa siya maaaring magkaroon ng kasintahan at wala pa talaga sa kanyang prioridad ang mga babae. Labis na nasasaktan dito si Lorna, dahil sa tingin naman niya ay ibinibigay niya kay Marco ang Buong pagmamahal niya. Ngunit kahit ganun ay mahal na mahal pa rin ni Lorna si Marco. Kahit halos hindi na kinakausap ni Marco si Lorna ay patuloy pa rin ito sa pagpapadala ng mensahe. Masayang masaya na si Lorna pag nakakasama niya si Marco kahit konting oras man lang. Halos dalawang beses lang sila sa isang buwan magkita. Masayang masaya na si Lorna pag nakakatanggap siya ng mensahe galing kay Marco, kahit na minsan alam niya na hindi na magrereply si marco. Masaya na si Lorna pag nakikita niyang Online si Marco. ang hindi lang maintindihan ni Lorna ay Kung bakit ganoon ang pakikitungo ni Marco sa Kanya. Minsan kasi parang mahal na mahal siya ni Marco, minsan naman ay parang hindi siya kilala nito.
alam ko na hanggang ngayon ay si Marco pa rin ang nilalaman ng Puso ni Lorna. at alam ko na palaging umiiyak si Lorna habang nagdadasal sa Panginoon. Pinagdadasal niya na sana maging maayos na ang kalagayn nila ni Marco. Na sana maging masaya na ang lahat. Na sana hindi mauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon, kahit na hindi na sila nag uusap tungkol dito.

parang kilala ko to. bhe bat lorna naman? baduy! :)) love it!
ReplyDeleteKung si Marco padin ang nilalaman ng puso ni Lorna malamang sa alamang....... Mapapagod din ang puso nito, kahit sinasabe nya na hindi sya susuko.....
Dadating ang araw na may magmamahal kay Lorna ng higit pa sa pagmamahal nya kay MArco. :)
Wahahaha. Wala na akong maisip! hahaha Tsaka gusto ko Very Pinay yung name! Wahahaha.
ReplyDeleteEh Mukang Hindi naman Susuko si Lorna Eh, Until the end mahal pa rin niya si Marco. And sbe Naman ni Marco Mahal niya si Lorna eh :))
Ooooooooookey sabe mo yan eh. :))
ReplyDeleteHahahaha. Umo-keeyyy ka nalang eh. hahah hindi ka na Kokontraa? :)
ReplyDelete